Mt. Matutum, moring view from a hill in our farm in Lunen, Tupi, South Cotabato |
Ako ay Pilipino at isang taga-Mindanao, ipinanganak at lumaki sa mahal kong Mindanao. At patuloy na ipaglalaban ang katahimikan at kapayapaan sa bayan kong sinilangan. Hindi man tayo nakikipagbakbakan tulad ng ating mga kasundaluhan, sa munting pamamaraan tayo pa rin ay may kakayahang makatulong sa pagkamit ng katahimikan.
Samo't saring reaksyon ang aking narinig sa naging deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, ngunit para sa akin ito ang tanging paraan upang maiwasan ang pagpasok ng mga Maute sa ibang bahagi ng Mindanao. Sa mga nagsasabi na pinutol ng Martial Law ang ating mga karapatan, ngunit higit sa ating karapatan, naniniwala ako sa panahong ito, tayo ay manindigan at gawin ang ating obligasyon at tungkulin bilang Pilipino.
Sa mga nagsasabi na "Martial Law curtailed our rights here in Mindanao," sa aking nararanasan simula ng maipasailalim sa Martial Law ang Mindanao, mas naramdaman ko ang seguridad. Patuloy kaming nakakapagbiyahe at sa bawat checkpoint na aming nadadaanan, ngiti at pasasalamat aming tanging naibibigay sa mga sundalo at pulis na patuloy na nagbanbantay.
Sa aming pagbiyahe patungong Davao City mula Tupi, South Cotabato, makailang ulit din kaming bumaba at naghanda ng aming mga IDs para ipakita sa bawat checkpoint, pero hindi ko naramdaman na ito ay naging hadlang sa aming biyahe. Naniniwala ako na ito ang natatanging paraan para maiwasang makapasok sa ibang bahagi ng Mindanao ang katulad na karahasang nangyari sa Marawi.
Sa aspeto ng pagnenegosyo, wala akong nakikitang pagbabago. Mas lalo lamang naging mapagmatyag ang mga tao, at tuwing nakikita ko ang ating kapulisan at kasundaluhan nakakaramdam ako ng seguridad na walang masamang pwedeng mangyari.
Bilang taga-Mindanao, aking ipinapasalamat ang pamamaraan ng Martial Law sa panahong ito, at patuloy ang buhay sa Mindanao naming mahal.
Comments
Post a Comment