Ang Aking BAKIT sa Aking Blog

Bakit nga ba ako gumawa at nagsulat ng blog? Isang tanong na minsan kung sinagot habang puno ng kawalan ang aking isipan. At unti-unti tila baha na umagos ang maraming kadahilanan kung bakit naglalaan ako ng oras sa pagsusulat. Ngunit kasabay ng mga kasagutan, ay ulan din ng mga katunungan na mukhang wala nang katapusan.
Muli sa pagkakataon na ito ay aking sasagutin.;
Nagsimula sa aking mga photo albums ng 90's. Nang muli kong hinalungkat ang aking mga photo albums ng elementary and highschool, nakita ko ang pagkakatulad nito sa aking blog. Sa tabi ng bawat larawan, nakasulat ang petsa, kadahilanan at mga kasama sa larawan.
Sekretong Pangarap. Ito na ang sekretong alam na ng marami, minsan pinangarap ko na maging news reporter o maging isang artista na nakikita sa T.V.. Haha dahil sa gustong-gusto kong makita si Patrick Garcia. Kaya naman ng Grade 6 nagDramatics Club ako and ng college nagworkshop ako, hanggang sa makapasok ako sa TAGUPCI (Theater Arts Guild, UP City of Iloilo). Ang TAGUPCI ang kaunaunahang grupo sa buong UP system ng 70's na pinarangalan sa kagalingan nito bilang samahan ng nga estudyante. Kaya naman masasabi kung kahit sa teatro minsan sa isang pagkakataon ay  naipakita ko ang aking kakayahan sa pag-arte, na higit na mas mahirap dahil ang bawat eksena ay tumatawag ng take 1 lamang.

Si Bianca Gonzales. Isa sa hindi ko makakalimutang pagkakataon, nang minsang naglalakad ako sa Ybiernas ng bigla kung narinig "ara na si Coca Cola girl." Higit sa gulat, ako ay nakaramdam ng pagkainsulto, dahil inisip ko na mali ba ang naging kasuotan?sobra bang hapit sa katawan? https://www.youtube.com/watch?v=WBdz5IQl-Qo
Ybiernas ang kalye na nasa likurang gate ng UP sa Iloilo City. Dito ako tumira ng 2 taon kasama ang 6 pa na mga ate ko sa boarding house. Hanggang isang araw ikinwento ng aking tagapaglaba na para daw sa mga taga-Ybiernas kaming 7 ay may mga kamukhang artista may Judy Ann Santos, Ana Capri at Bianca Gonzales, na nang panahaong yon ay nasa commercial pa lamang ng Coca-Cola. Kaya naman mula noon, si Bianca Gonzales na ang naging peg ko sa maraming bagay, hangga't nagsulat na siya ng blog na iamsuperbianca.com.
My Biggest Heartbreak. Ang sakit ang naging dahilan para sa mas malawak na mga bagay na maari kung linangin. Isa sa mga bagay na ginawa ko para makalimutan ang sakit na ito ang bumyahe. At sa bawat mga byahe ko kinailangan kong maresearch ng mga bagay ng maaari kong gawin at puntahan. Dito ko na unti-unting nakahiligan ang pagbabasa ng mga travel blogs, isa na rito ang journeyingjames.com at marami pa.
Si Miya. Isa sa mga nagbigay inspirasyon sa akin na magsulat at higit sa lahat nagpakilala sa akin kina blogspot at wordpress. Sampung taon man ang pagiging ate ko sa kanya, pero pagdating sa lalim at hugot sa buhay, walang-wala ako kay maizenievaresblog.wordpress.com.
Mukhang mahaba-haba na rin ang aking naisulat. Ngunit nasagot ko ba ang tanong kung bakit ako nagbigay ng oras para magsulat? Nagsulat ako ng blog dahil gusto kong magsulat. Maaaring walang nagbabasa nito, ngunit ito ang naging testamento ng aking mga nararamdaman sa panahong isinusulat ko ang bawat post.

Comments