Browie's Pinoy Style Picnic

Ang Agosto ay Buwan ng Wika, at marapat lamang na bago magtapos ang buwan na ito, ako ay makapagbahagi kung papaano kong  nagamit ang mga bagay mula sa aking mga paglalakbay.

Para sa kulminasyon ng Buwan ng Wika, kinailangan ng aking bunsong kapatid na magdala ng Pinoy style picnic sa paaralan.
Kaya naman napagisipan kong pagsamahin ang mga bagay na nabili namin sa aming mga bakasyon. Minabuti kong ilagay ang lahat sa isang basket na nakuha ni Mama mula sa Bayan ng Norala. Kasama nito ang isang abel placemat  mula sa Ilocos at ang nito bilang plato mula naman sa mga katutubong Blaan ng Lunen, Tupi.

Para naman sa kanyang baon na pagkain mayroong; Suman sa Lihiya na may "kalamete," Adobong Bahoy Ilonggo Style, Saba Muscovado Muffin at binalot sa dahon ng saging ang kanin.
Kaya masasabi kong tunay na Pinoy style ang naging picnic ng aking kapatid sa pagtatapos ng Buwan ng Wika.

More Mai Wanders and More Souvenirs!!!! 


Comments